(Sa KOJC police operation) PNP HANDANG HUMARAP SA SENADO

HANDA ang Philippine National Police (PNP) sa makipagtulungan sa Senado upang linawin ang naging police operations at pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy gayundin ang pagsalakat sa iba ang compound ar mga property nito sa Davao City.

Ginawa ng PNP ang pahayag kasunod ng panawagan na imbestigahan ng Senado ang umano’y “overkill” sa naturang operasyon.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, magandang pagkakataon ito para marinig ang kanilang panig sa tunay na nangyari. Naninindigan ang pambansang pulisya na balido ang nasabing police operation noong Hunyo 3.

Tiniyak din ni Fajardo na plinano ang operasyon para maiwasan ang tensyon at karahasan, at sa kabutihang palad ay walang matinding nasugatan sa insidente.

Aniya, bukas ang PNP sakaling kusang sumuko si Quiboloy at iba pang kapwa akusado sa kaso ng sexual at child abuse at human trafficking.

Matatandaang ginalugad ng kapulisan ang mga property ni Quiboloy sa Buhangin, Davao City at sa Prayer and Glory Mountains sa Barangay Tamayong subalit hindi nahanap doon ang pastor.

Nagdulot umano ng tensiyon ang naturang operasyon sa pagitan ng mga pulis at tagasunod ni Quiboloy.
EUNICE CELARIO