(Sa Labor Day job fairs) 5,512 HIRED ON THE SPOT

MAHIGIT  5,500 job seekers ang agad na nakakuha ng trabaho sa idinaos na nationwide Labor Day job fairs, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 Base sa regional reports, hanggang Mayo 3, may 5,512 job seekers na nagtungo sa 97 job fair sites sa mga lalawigan ang hired on the spot.

 Karamihan sa kanila ay na-hire para sa mga posisyon na service crew, cashier, sales associate, production operator, sales clerk, production crew, online teacher, at  housekeeper.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang dahil tatakbo ang job fairs hanggang Mayo  9 sa mga piling lugar.

Ang nationwide job fairs ay nilahukan ng 2,839 employers na nag-alok ng 235,246 local vacancies at 166 employers na nag-alok ng 62,431 overseas employment opportunities.

 Ang job fair sites ay nagsilbi ring one-stop-shops ng government services, kung saan 2,756 aplikante ang nag- avail ng skills enhancement training; 3,106 ng livelihood assistance; at 821 ang nag-avail ng entrepreneurship opportunities. May kabuuang 10,843 job seekers ang nag-avail din ng mga serbisyo na inialok ng Social Security System, Philippine Health Insurance Corporation, at  Pag-IBIG Fund.

Ang Labor Day celebration ngayong taon ay may temang “Sa Bagong Pilipinas: Manggagawang Pilipino, Kabalikat at Kasama sa Pag-asenso.”