(Sa lahat ng Metro Manila mayors) CLEARING OPERATION ITULOY-TULOY – MMDA

Clearing ops

HINILING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng mga mayor sa Metro Manila na ipagpatuloy ang naumpisahan ng clearing operation upang patuloy na lumawag sa anumang sagabal ang mga pangunahing kalsada.

Kasabay nito, nagpasalamat din si MMDA Chairman Danilo Lim sa lahat ng Metro Manila mayors sa kanilang isinagawang clearing operations sa kanilang mga lugar subalit marami pa rin ang dapat isaayos.

Ang mga naturang pahayag ni Lim ay kanyang isinagawa noong Huwebes sa 26th meeting ng Metro Manila Council.

“Our work is not yet fi­nished. This is a continuing project. We have to maintain and sustain our clearing operations amid the increasing number of vehicles that worsen traffic in Metro Manila,” pahayag ni Lim.

Pahayag rin ni Lim, sa nagdaang sampung taon ang bilang ng registered vehicles sa Metro Manila  ay tumaas samantalang ang road network naman ay tumaas lamang ng pitong porsiyento.

Ayon kay Lim, nasa 900 vehicles ang dumadagdag kada araw na nagiging sanhi ng ma­tinding trapik sa EDSA at iba pang lugar sa Metro Manila.

“This is the problem which Metro Manila is facing. Cars are multiplying but the road capacity has barely changed. Infrastructure projects under the ‘Build, Build, Build’ program are underway,” ani Lim.

“While waiting for the completion of the infrastructure projects, let us maintain what we have started. This is the greater challenge of the campaign. There is no overnight solution to address our traffic problems,” dagdag pa nito.

Dagdag pa nito, na ang MMDA ay handa naman tumulong sa lahat ng local government units upang tugunan ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na isaayos ang lahat ng mga public road.

Sa panig naman ng 17 LGU’s, isang resolusyon ang napagkasunduan na layong gawing institutionalize ang clearing operations sa lahat ng nakahambalang sa kalsada.

Naniniwala ang Metro Manila mayors na naging maganda ang kanilang performance sa pagsasaayos ng mga kalsadang kanilang nasasakupan alinsunod sa naging kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa DILG, magsagawa sila ng limang criteria upang malaman kung ang isang LGU ay nag-comply sa road-clearing drive.

“Natanggal na ba ‘yung obstructions sa kalsada at bangketa? Pangalawa, ni-review ba nila ang mga ordinansa at nirebisa? Pangatlo, nagkaroon ba ng maayos na paglilipat ng mga vendor? Pang-apat, na-rehab ba nang maayos ang recovered kalsada, at panglima, nagkaroon na ba ng road inventory for purposes of sustainability of the program?” pahayag ni Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing.

Kumpiyansa, si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na naging maganda at maayos ang kanilang performance.

“Ang Parañaque po, 100 percent cleared na ang primary and secondary road,” ani Olivarez.

Subalit, ayon sa ibang Metro Manila mayors ay imposible na ma-achieve ang 100 percent na road clearance.

Kahit kayo mag-ikot, hindi kayo makakakita ng 100 percent. May nagsasabi hindi raw ako bababa ng 90, may nagsa­sabi 95,”  pahayag ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan.

Ayon naman kay MMDA General Manager Jojo Garcia, kahit hindi 100 percent ang nagawa ng Metro Manila mayors sa pag-sasaayos ng mga kalsadang sa kanilang nasasakupan ay maganda naman ang kanilang naging performance.

“Of course hindi 100 percent na sinasabi natin na wala ka nang makikita… Basta may enforcement, meaning may nakaparada riyan at nahuli mo… hindi katulad dati na may nakaparada riyan, walang pakialam lahat,” diin ni Garcia.

Ayon naman kay Navotas Mayor Toby Tiangco, mahirap i-maintain na maisaayos ang mga kalsada dahil matitigas ang ulo ng mga driver na ipina-park pa rin ang kanilang mga sasak­yan kahit na bawal matapos ang kanilang isinagawang  inspeksiyon.

Sa pahayag naman ni Pasig Mayor Vico Sotto na ang magandang solusyon sa pabalik-balik na illegal parking o ‘di kaya ay illegal vending sa isang lugar ay dapat na paulit-ulit din ang isinasagawang inspeksiyon upang malaman na ang mga ito ay sumusunod.

“Doon na po papasok ‘yung kinakailangan namin gawin na maging consistent at babalik-balikan namin ang mga road na na-clear na,” ayon kay Sotto. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.