(Sa lalawigang winasak ni Odette) PAGKAIN, TUBIG UBOS NA

NAGKUKUMAHOG ngayon ang tatlong Major Service command ng Armed Forces of the Philippines na makapaghatid ng pagkain at malinis na tubig sa daang libong tao nasa mga evacuation center at mga nawalan ng tirahan bunsod ng paghagupit ng Typhoon Odette dahil nararamdam na ang kawalan ng pagkain at tubig inumin sa maraming lugar.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya rin Chairman ng National Disaster Rissk Reduction Management Council , priority sa ngayon ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima at inatasan na nito ang AFP na ideploy ang lahat ng available assets para rito.

Sa inisyal na pagtataya ng NDRRMC alinsunod na rin sa datos ng Department of Social Welface and Development (DSWD), sa ngayon mahigit 1,805,000 katao ang naapektuhan ng ilang raw na pananalasa ng bagyong Odette sa maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Ayon NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, sa kabuuang bilang nasa 438,359 sa kanila ang nasa labas ng evacuation centers o nasa bahay ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Pinangangambahan na umakyat sa 375 katao ang nasawi at nawawala ng dahil sa pananalas ang bagyo
“Never in my entire life have I encountered such a typhoon,” nanlulumong pahayag ni Catholic Bishop Antonieto Cabajog sa Surigao.

Una nang nagpahayag ng gobyerno na nasa P2 bilyong ang inilaan para sa relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ani Lorenzana, titiyakin ng gobyerno na ang lahat ng mga nangangailangan ay mahahatiran ng ayuda at mapagsisilbihan sa lalong madaling panahon kaya paspasan ang ginawang pagkilos ng Philippine Army, Philippine Navy , Philippine Air Force , Philippine Coast Guard, Philippine National Police at maging ang Bureau of Fire Protection.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang kalihim na kakayanin ng pamahalaan ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamayan kahit walang tulong mula sa ibang bansa.

Pero kung may mga tutulong ay welcome ito sa pamahalaan.

Samantala, umalis kahapon mula sa Cavite City ang BRP Agta (LC290) patungong Cebu City dala ang halos 15 Tonelada ng relief supplies para sa mga biktima ng bagyong “Odette”.

Nauna rito, naghatid ng 7000 kahon ng pagkain ang Phil. Navy sa Siargao sakay ng BRP Ivatan (LC298).

Ipinadala rin ng Phil. Navy sa sa Siargao ang BRP Ang Pangulo (ACS25) na pinagamit ng Pangulong Duterte bilang Floating hospital.

Una nang sinabi ni Phil. Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza na bukod sa mga naturang barko, nakahanda rin ang Navy na ideploy ang BRP Tarlac (LD601), BRP Bacolod City (LC550), at BRP

Iwak (LC289), para tumulong sa Humanitarian ang Disaster Relief Operations sa mga lugar na lubhang napinsala ng bagyong “Odette”. VERLIN RUIZ