PINALAWIG ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang deadline para sa amnesty application para sa late at non-filing ng annual financial statements (AFS), general information sheets (GIS), at official email addresses at mobile phone numbers.
Sa isang statement, sinabi ng SEC na ang eligible companies ay may hanggang June 30 upang tapusin ang kanilang amnesty applications.
Ang mga aplikante ay mayroon ngayong 90 araw, sa halip na 45 araw, mula sa petsa ng pagbabayad para isumite ang kanilang latest due financial statements.
Pinayagan ng SEC ang extension sa pamamagitan ng SEC Memorandum Circular No. 6, Series of 2023, na inisyu noong April 25.
Inilunsad nito ang amnesty program para sa noncompliant corporations, gayundin sa mga ang certificates of registration ay sinuspinde o binawi, dahil sa kanilang kabiguang isumite ang kanilang AFS at GIS sa takdang oras, sa kalagitnaan ng Marso sa pamamagitan ng SEC Memorandum Circular No. 2, Series of 2023.
Ang amnesty program ay bahagi ng pagsisikap ng commission na himukin ang supervised entities nito na sumunod sa kanilang reportorial requirements sa ilalim ng Republic Act No. 11232, o ang Revised Corporation Code of the Philippines.
PNA