NAKAPAGTALA ang Philippine Coast Guard ng may mahigit 15 libong mga pasaherong lalabas ng Maynila habang nasa may 14 na libong mga pasahero naman ang naitala nito na mga pabalik na pasahero mula probinsiya.
Ayon sa ulat ng PCG at sa datos nito sa kasalukuyang OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2024 nitong Biyernes, Disyembre 27 mula alas-12 ng hatinggabi hanggang ala-6 ng umaga, nakapagtala ito ng may 15,606 outbound passengers at 14,543 inbound passengers sa lahat ng mga pantalan ng bansa.
Tinatayang aabot din sa 2,232 ang itinalagang mga frontline personnel sa may 16 PCG Districts na nakapag-inspeksyon sa may 130 vessels at 27 na mga motorbancas.
Mananatili pa rin sa heightened alert mula pa noong Disyembre 20, 2024 hanggang sa Enero 3, 2025 ang mga distrito, istasyon at maging mga substation upang mas maiwasan pa ang pagdagsa ng mga pasahero.
Nagpaalala din Philippine Coast Guard sa mga bibiyahe na makipag -ugnayan lamang sa PCG sa pamamagitan lamang ng kanilang opisyal na Facebook page o ang Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729) para sa mga katanungan, concerns, at klaripikasyon kaugnay sa ,mga sea travel protocols at regulasyon sa panahon ng the holiday season.
P ANTOLIN