UMABOT sa mahigit P4.2 bilyong halaga ng pinsala sa mga ari-arian bunsod ng mga sunog na sumiklab sa ilang bahagi ng bansa ngayong taon.
Naitala ito, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa kabuuang 9,568 fire incidents mula Enero 1 hanggang nitong Mayo 10.
Ayon din sa datos ng BFP, nasa 165 katao ang naitalang nasawi habang nasa 496 naman ang bilang ng mga nasugatan o nasaktan sanhi ng mga naganap na sunog sa loob ng unang ika-apat na bahagi ng taong 2024.
Nabatid na bukod sa lumobong bilang ng casualties sanhi ng mga naganap na fire incidents ay umakyat din sa 40 porsyento ang itinaas na bilang ng mga insidente ng sunog sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas nitong unang quarter ng taong 2024.
Sa kanilang estadistika, mataas 40% ang naitalang kaso ng sunog kumpara sa nasa 6,815 bilang na mga fire incidents na naitala sa kaparehong panahon noong taong 2023. VERLIN RUIZ