(Sa loob lamang ng isang linggo) 399 HCWs PA NAHAWAHAN NG COVID-19

NAKAPAGTALA  pa ang Department of Health (DOH) ng 399 pang healthcare workers (HCWs) na dinapuan ng COVID-19 sa bansa nitong Abril.

Ito na umano ang pinakamataas na datos ng HCWs na nagka-COVID-19, na naitala ng DOH sa loob ng anim na buwan.
Batay sa datos ng DOH, naitala ang naturang bilang ng HCWs na dinapuan ng COVID-19 mula Abril 4 hanggang Abril 10 lamang.

Nabatid na halos kalahati sa mga ito ay nurses na nasa 170; 53 naman ay mga doktor; at 22 ay mga medical technologist.

Samantala, matapos naman ang isang buwang walang naitatalang nasawi sa hanay ng mga HCW, nakapagtala muli ang DOH ng apat na HCWs na binawian ng buhay dahil sa virus.

Isa sa kanila ay binawian ng buhay nitong Abril 6, isa noong Abril 9 at dalawa naman nitong Abril 11.

Nitong Abril 11, umabot na sa 16,510 na HCWs ang dinapuan ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 82 ang sinawimpalad na hindi makaligtas habang 628 ang nananatiling mga aktibong kaso habang ang karamihan ay nakarekober na.

Sa mga aktibong kaso, nasa 73.7% ay mga mild cases, 21.7% ay asymptomatic, 1.3% ay moderate, 2.1% severe at 1.3% ay nasa kritikal na kondisyon. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “(Sa loob lamang ng isang linggo) 399 HCWs PA NAHAWAHAN NG COVID-19”

Comments are closed.