(Sa loob ng 349 araw) UNANG PANALO NI NADAL

NAITALA ni Spanish tennis legend Rafael Nadal ang kanyang unang panalo sa loob ng 349 araw sa kanyang pagbabalik sa tennis court noong Martes.

Dinispatsa ng 22-time Grand Slam champion si Austrian Dominic Thiem, 7-5,  6-1, sa Brisbane International Men’s Singles Round of 32.

“Today is honestly an emotional and important day for me after probably one of the toughest years of my tennis career, without a doubt,” pahayag ni Nadal matapos ang 90 minuto sa court.

Si Nadal, 37, ay nagtamo ng serious hip injury na nagresulta sa 11-month absence sa game.

Ang Brisbane International na itinatag noong 2009 ay isang annual tennis tournament na idinadaos sa Australia, bago ang unang Grand Slam tournament ng season, ang Australian Open.