UMAABOT sa P31.07 bilyon ang halaga ng ibat ibang uri ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng nakalipas na anim na buwan.
Sa datos ng PDEA, bunsod ng mga inilunsad na anti narcotics operation ng ahensya mula Hulyo hanggang Disyembre, 2023 ay nakapagtala ng aabot sa P 31.07 billion halaga ng iba’t ibang uri ng iligal na droga na nasamsam at naalis sa lansangan.
Ibinahagi ng PDEA na kabilang sa mga nasamsam na droga, ang apat na tonelada o 4,212.24 kilos ng shabu; Cocaine 48.2 kgs, Ecstacy 54,013 na piraso at Marijuana na umabot sa 3,158.98 kilos.
Ipinagmamalaki pa ng PDEA na patuloy na dumadami ang bilang ng mga drug cleared barangay na umaabot na ngayon sa 28,243 habang bumaba rin ang talaan ng mga drug affected barangay na nasa 7,268.
Gayundin, isang clandestine laboratory ang sinalakay at tuluyang winasak ng PDEA habang 822 drug den ang nadiskubre at winasak ng anti drugs operatives.
Umabot naman sa 5,137 drug personalities na itinuturing ng mga high value target ang naaresto habang nasa 75,880 ordinary drug personalities ang nadakip at mga kapwa nahaharap sa kasong paglabag ng comprehensive dangerous drug act of 2022 ng RA 9165.
Samantala, umabot sa 55,495 ang naitalang anti drug operation ng mga operatiba ng PDEA.
Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo , tuloy tuloy at at mas paiigtingin pa ng kanilang ahensya ang mga ilulunsad na anti – drug operation sa buong bansa. Maging ang kanilang pakikipag ugnayan sa kanilang mga counterpart sa iba’t ibang bansa ay palalakasin din upang masupil ang pagpupuslit ng droga sa bansa. VERLIN RUIZ