BOHOL- HABANG nasa kasagsagan ng isinasagawang National Simultaneous Earthquake drill, napapasabak naman sa matinding sagupaan ang mga tauhan ng AFP-Visayan Command sa isang grupo ng nalalabing New Peoples Army na ikinamatay ng anim communist terrorist cadre sa lalawigang ito.
“The six (6) NPA members died separately, two (2) were killed during the 2nd and 3rd encounters, one (1) was killed during the 5th encounter. While three (3) NPA members were killed during the 6th encounter,” ito ang ulat na ipinarating kay VISCOM commander Lt. General Benedict Arevalo .
Nakumpiska ng militar ang anim na bangkay ng mga NPA matapos ang serye ng sagupaan na naganap sa loob lamang ng isang araw na nagsimula alas-7:45 ng umaga sa Brgy Campagao bayan ng Bilar, sa pagitan ng 47th Infantry Battalion kasama ang 21st Special Forces Company (Riverine) ng 302nd Infantry Brigade sa ilalim ng Joint Task Force (JTF) Spear, laban sa nalalabing Bohol Party Committee ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR NCBS).
Ayon kay Lt. Col. Israel Galorio, Armed Forces-Visayas Command information officer, nagsasagawa ng military operation ang kanilang mga tauhan sa Siliti Ilaud, Brgy. Campagao ng makasagupa ang grupo ni Domingo Compoc, alias “Commander Cobra” na nagresulta din sa pagkakabawi sa pitong matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng limang 5.56mm AR15 Rifles at dalawang AK47 Assault Rifles.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang militar hinggil sa presensya ng mga rebelde na sapilitang naghihingi ng mga pagkain at iba pang pangangailangan sa mga residente.
Sinabi ni Galorio dalawang units ng Task Force Spear na kinabibilangan ng 47th Infantry Battalion (IB) at 21st Special Forces Riverine Company (SFRC) ang inatasan ns sumagupa sa mga rebelde kamakalawa ng umaga na nasundan pa ng limang sagupaan sa nasabing barangay.
“This series of encounters is a manifestation of our firm commitment to ensure the safety and security of our people in the Visayas region, especially now that the election period has commenced. We are expecting that the terrorist group will become active during the period to foster their extortion activities and project their force so as to threaten our people and influence the upcoming Barangay and SK Elections to their favor”, ani Arevalo.
VERLIN RUIZ