ROMBLON- INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) kung lumikha ng oil spill ang lumubog na oil tanker na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil malapit sa isla ng Tablas sa lalawigang ito.
Sa ulat ng PCG, ang nasabing oil tanker ay lumubog sa bisinidad ng Balingawan Point sa bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro bandang alas- 2 kahapon ng madaling araw.
Agad ipinadala ng PCG ang kanilang BRP Melchora Aquino at isang airbus helicopter para sa surveillance at assessment.
Samantala, ayon kay Batangas Port Manager Dr. Joselito Sinocruz, nakaligtas naman ang may 20 tripulante ng oil tanker kasama na ang kapitan sa tulong na napadaang foreign vessel na malapit sa kinalubugan ng MT Princess Empress.
Nabatid na galing ng Bataan at papunta sana ng Iloilo ang tanker na may 20 crew members nang biglang magkadiperensya ang makina nito at salpukin ng malalaking alon na naging dahilan upang lumubog ang kalahating bahagi nito.
“Initial investigation revealed that the distressed motor tanker encountered engine trouble due to overheating. It then drifted towards the vicinity waters off Balingawan Point due to rough sea conditions until it became half-submerged,” ayon sa inilbas na pahayag ng PCG.
VERLIN RUIZ