DUMARAMI pa ang reklamong na- tatanggap ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa maanomalyang distribusyon ng cash aid para sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.
Sa ulat ng PNP CIDG, simula Abril 1 hanggang Hulyo 10, umabot na sa 300 kaso ang kanilang naitatala.
Base ito sa isinampang reklamo ng 619 complainants laban sa 916 suspek kabilang ang 385 elected public officials.
Sa 300 kaso, 51 ay under investigation, 201 ay naisampa na sa iba’t ibang korte, 5 ay inihahanda nang isampa, 6 ay inendorso sa ibang ahensiya ng gobyerno at 37 kaso ay hindi na naisampa dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang distribusyon ng second tranche ng SAP para sa mga pamilya na lubhang apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic. REA SARMIENTO
Comments are closed.