KINUMPIRMA ni Philippine Ambassador Raul Hernandez na walang Filipino ang nadamay sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Aegean coast, Turkey.
Ayon kay Hernandez, agad silang nakipag-ugnayan sa mga Filipino Community sa lugar at walang casualties na Filipino ang naitala.
Nabatid na may 14 katao ang namatay at 20 gusali ang gumuho dahil sa pagtama ng malakas na lindol na naramdaman din sa bansang Greece.
Gayunpaman, patuloy ang ginagawang pagmomonitor ng Department of Foreign Affair (DFA) sa pamamagitan ng puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa Turkish authorities upang malaman ang mga impormasyon at sitwasyon ng mga kababayan sa naturang bansa.
Nanawagan din ng dasal ang ambassador sa publiko para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Turkey.
“Lets pray for the safety and welfare of our kababayans here and people of Izmir during this challenging times,” pahayag ni Ambassador Hernandez.
Ayon sa datos ng ahensiya noong Disyembre 2019, nasa 3,063 Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa Turkey. LIZA SORIANO
Comments are closed.