(Sa Maguindanao massacre) 40 AKUSADO PINALAYA NA

maguindanao massacre

NASA 40 indibiduwal na ang napalaya ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) matapos mapawalang sala sa Maguin­danao massacre case.

Dalawa   naman  ang hindi pa pinayagang lumaya dahil  patuloy pang pinoproseso ang kanilang mga dokumento.

Samantala, may apat na iba pang na-acquit na sa naturang kaso ngunit nananati­ling nakadetine dahil  may  iba pang pending cases.

Ikinasiya naman ng pamilya ni Richard Gofel ang pagkakalinis ng kanyang pa­ngalan mula sa pagkakadawit nito  sa karumal-dumal na krimen.

One thought on “(Sa Maguindanao massacre) 40 AKUSADO PINALAYA NA”

Comments are closed.