(Sa major roads, bridges at buildings) P23.96 M PINSALA NG LINDOL SA MASBATE

Masbate

TINATAYANG aabot sa P23.96 milyong halaga ng napinsalang mga pangunahing kalsada dulot ng lindol sa Masbate at maging sa Bicol region na sinasabing naapektuhan din ng 6.9 magnitude quake.

Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways- Bureau of Maintenance (DPWH-BOM), nagkabitak-bitak ang kahabaan ng Masbate-Cataingan-Placer Road kabilang ang Gahit Bridge at K0070+420 sa bayan ng Cataingan.

Kabilang sa naapektuhan ay ang slope protection ng Nipa Bridge at K0022+080,  ang expansion joint ng  Nabangig Bridge, K0077+150 sa bayan ng Palanas; girder ng Pinangapugan Bridge at K0035+040, pile cap (jacketing)  slope protection ng Impapanan Bridge  at K0022+322, girder ng Marcella Bridge at K0022+080 sa bayan ng Uson.

Nasira rin ang road pavement mula kilometer  K0034+920 – K0036+000, Uson; K0070+680, Palanas; K0077+150, Cataingan; at kilometers K0085+150 – K0085+250 sa may munsipyo ng  Placer.

Maging ang kilometer K0075+836 sa may Cataingan-Poblacion Road sa Barangay Poblacion ay napinsala rin ang mga box culvert.

Samantala, nagkaroon din ng minor damage ang bank protection ng Panganiban Bridge at K0482+425 sa Barangay Nierva, bayan ng Nabua sa Camarines Sur.

At maging ang mga pader ng Palanas Police Station Building sa Poblacion gayundin ang ang roofing at firewall ng Inocencio Central School Building isa Villa-Inonencio, Placer; Cataingan Public Market at mga pantalan sa Cataingan at Dimasalang, Masbate.

Tinukoy ng DPWH-BOM, ang partial damages  ng mga major road ay aabot sa P5.64 million; P8.96 million sa mga tulay at P9.35 milyon sa mga pampublikong gusali. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.