(Sa makakadiskubre ng vaccine sa COVID-19) P10-M PABUYA NI DUTERTE

Spokesman Harry Roque

INIANUNSIYO  kahapon ng Malakanyang  na sampung  milyong piso ang  alok na pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang Filipino na makakadiskubre ng bakuna kontra sa coronavirus (COVID-19).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na numero unong kalaban hindi lamang ng Filipinas kundi maging ng buong mundo ang nakakamatay na virus.

Ang sampung milyong piso ay ibibigay ng Pangulo sa sinumang  makakapag-develop ng bakunang panlaban sa nakakahawang sakit.

“Unang una, dahil public enemy number one nga po itong COVID-19 hindi lang dito sa Pilipinas (sic) kundi sa buong mundo, inanunsiyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na hanggang sampung milyong piso sa kahit sinong Pilipino (sic) na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19,” pahayag ni Roque.

Magkakaloob din ang Pangulo ng substantial grant sa University of the Philippines  at UP- PGH para makapag-develop ng bakuha laban sa COVID-19.