(Sa makalilikha ng COVID-19 vaccine) PABUYA ITINAAS SA P50M

Pangulong Rodrigo Duterte-3

MULA  sa P10 milyon ay itinaas kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P50 milyon ang alok niyang pabuya para sa sinumang makalilikha.

Sinabi ng Pangulo na maaring isang grupo ang gumawa ng bakuna kaya paghahati-hatian pa nila ang pabuya.

Ayon pa sa Pangulo, kapag may nakalikha na ng bakuna at  siya ay  nasiyahan ay maaring taasan pa niya ang pabuya sa P100 milyon.

“I am raising the bounty to P50 million, baka sa ligaya ko, another P50 million. Kapag andiyan na at maligaya ako masyado P100 million na,” pahayag ng Pangulo kasunod ng pagdedeklara ng pagpapalawig sa enhanced community quarantine ng hanggang sa Mayo 15.