(Sa Malabon at Navotas) TRICYCLE BALIK-OPERASYON NA

MAGBABALIK operasyon na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Malabon at Navotas matapos pagbawalan noon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ay matapos pirmahan ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga tricycle driver.

Batid na matindi ang naging apekto sa napakaraming tricycle drivers at commuters mula sa dalawang magkapitbahay na lungsod nang ipagbawal ang pamamasada ng mga ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kaya’t sa pagbabalik operasyon ng mga tricycle, mas mapapadali ang pagku-commute ng mga manggagawa mula sa Malabon at Navotas at magbabalik na rin ang kabuhayan ng mga tricyle drivers.

Gayundin, nakapaloob sa MOA na mahalagang may permit at sticker ng magkabilang lungsod ang mga pampasadang tricycle units upang maayos ang kanilang pagbiyahe.  EVELYN GARCIA

Comments are closed.