SUPPLY NG KORYENTE SAPAT

Malampaya

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng koryente at walang mangyayaring brownout sa Luzon sa kasagsagan ng apat na araw na maintenance shutdown ng Malampaya Onshore Gas Plant sa Batangas sa susunod na buwan.

Ayon sa DOE, mayroon namang koryenteng maibibigay ang ibang power plant at mas mababa rin ang inaasahang demand o konsumo ng koryente sa Oktubre kumpara sa tag-init.

“The power reserve for Luzon during the Malampaya maintenance shutdown on October 12 to 15, 2019 will be sufficient (no brownout) due to the availability of other power plants and lower demand compared with the summer period of 2019,” wika ni Energy Assistant Secretary Redentor Delola.

“We expect the demand to be low on the dates covered by the shutdown. There also isn’t any other planned outage that will coincide with the Malampaya’s maintenance. With these, we will be having enough supply and reserves.”

Ang Malampaya gas-to-power facility ay nagsusuplay ng natural gas sa limang natural gas power plants sa Batangas, kabilang ang Sta. Rita (1,000 MW), San Lorenzo (500 MW), Ilijan (1,200 MW), Avion (97 MW), at San Gabriel (414 MW)— na bumubuo sa kalahati ng power requirements ng Luzon grid.

Mula platform sa baybayin ng Palawan, may hi­git 500 kilometrong tubo ang dinadaanan ng natural gas papuntang Batangas bago makarating sa iba’t ibang planta ng koryente.

Ang gas-to-power facility ay pinatatakbo ng Malampaya consortium na kinabibilangan ng Shell Philippines Exploration B.V., Chevron Malampaya LLC, at PNOC Exploration Corporation.

Comments are closed.