(Sa malawakang pagbaha) 42 PATAY SA BAGYONG ‘PAENG’

UMAABOT sa 42 katao ang binawian ng buhay sa pananalasa ng Tropical Storm Paeng sa 14 na bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao; North Cotabato at Lanao del Sur kahapon.

Base sa impormasyon nakalap ng BARMM Rapid Emergency Action on Disaster Incident, sa 42 katao na namatay dahil sa kalawakang pagbaha ay aabot 10 ang nasawi sa bayan ng Datu Blah Sunsuat kung saan karamihan kabahayan ay winalis ng tubig-baha.

Maging sa bayan ng Datu Odin Sunsuat ay 27 naman ang kumpirmadong namatay habang 5 sa bayan ng Upi, Maguindanao kung saan anim na tulay sa iba’t ibang munisipalidad sa Maguindanao ang nawasak.

Nabatid din na lumubog sa tubig-baha mga Barangay Limbo, Gang, Bulalo, Macaguiking, Calsada, Ibotigen, at ang Barangay Narra sa Sutan Kudarat, Maguindanao habang anim naman barangay sa Suktan Mastura ay nilamon tubig-baha kung saan naapektuhan naman ng landslides at pagbaha ang 3 barangay sa bayan ng Datu Blah Sinsuat.

Samantala, kaagad naman rumesponde ang mga tauhan ng 6th Infanrry Division Headquarters sa Dimapatoy sa Awang kung saan karamihang kabahayan ay onanod ng baha habang apektado rin ng pagbaha ang mga Barangay Kurentim at Kusiong sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Gayundin sa Cotabato City kung saan apektado ang mga Barangay Tomantaka 4 at 5; Rosary Heughrs 3, 9 at 6; Brgy. Poblacion 8 at 9 habang sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat naman ay 3 barangay.

Sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato ay apat na barangay habang isa naman sa bayan ng Libungan.

Maging sa Lanao del Sur ay sinalanta ang Brgy. Diamaro sa bayan ng Malabang habang apektado rin mga Brgy. Lalabuan at Macau sa bayan ng Balabagan. MHAR BASCO/ VERLIN RUIZ