IPINAHAYAG ng Department of Science and Technology (DOST) mananatiling nakataas sa heavy rainfall warning ang maraming lugar sa buong luzon.
Ayon sa DOST, nasa ilalim ng Yellow Warning ang Metro Manila na kinabibilangan ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, at Marikina, kasama na ang ilang mga bayan sa mga Probinsiya ng Rizal, Tarlac, Pampanga, at Bulacan.
Red Warning naman ang nakataas sa halos lahat ng bayan sa probinsiya ng Cagayan, kung saan nag landfall ang Bagyong Egay Kasama rin sa Red Warning ang Ilocos.
Ibig sabihin na patuloy na makakaranas nang malalakas na pagbuhos ng ulan at matinding pagbaha at mga landslide sa mga kalsada, kabundukan, kasama na ang mga matatarik na lugar.
Nagpalabas naman ang DOST ng babala sa mga nakatira malapit sa matataas na lugar at sa mga baybayin na magsilikas na hanggang maaga para maiwasan pa ang ano mang insidente. EVELYN GARCIA