UMABOT ng P272 milyon ang nagastos ng partido ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa nakalipas na May 9 national at local elections.
Ang paghahain ng SOCE ay bilang pagsunod sa Section 14 ng Republic Act 7166 at resolusyon kaugnay sa eleksiyon. Itinakda ang deadline ng paghahain ng SOCE sa Hunyo 8.
Ayon kay Atty. George Briones, ang general counsel ng PFP, ito ang nilalaman ng 400-pahinang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) na inihain ng partido sa Commission on Elections (Comelec) at nilagdaan ni PFP national treasurer Anton Lagdameo.
Sinabi ni Briones na ang P272-million na nagastos para sa nakalipas na presidential campaign ay mas mababa kumpara sa maximum expenditure na P337-million na pinapayagan ng batas para sa isang national political party.
Personal na inihain ni Atty. Rico Alday, ang legal officer ng PFP, ang SOCE na aniya’y pinakamalaking bahagi ng nagastos ng partido ay para sa political ads sa telebisyon, habang ang ibang gastos ay sa campaign rally. Jeff Gallos