(Sa Mayo o Setyembre) PARA GAMES INIURONG

Michael Barredo

DAHIL sa banta ng nakamamatay na 2019 novel coronavirus, napilitan ang ASEAN Para Games Federation na nakabase sa Thailand na iurong ang 10th ASEAN Para Games mula Marso sa Mayo o Setyembre.

Napag-alaman ito ng PILIPINO Mirror kay Philippine Sports for Differently Abled president Michael Barredo sa kanyang pagdating mula sa Thailand makaraang makipagpulong sa mga opisyal.

“Officials of the 11-member countries and the ASEAN Para Games Federation are very much concern with the health and safety of the athletes,” sabi ni Barredo matapos na makipagkita kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez at ipaalam dito ang napagkasunduan sa Thailand kaugnay sa pagdaraos ng 2020 ASEAN Para Games.

Magpupulong ang five-man PSC upang masusing talakayin ang meet na  ginastusan ng ahensiya at ng Pagcor, at sinuportahan ng Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni Cavite Rep. Abraham Tolentino.

“Hintayin natin ang resulta ng board meeting at alamin ang desisyon ng PSC. Ang gusto ni Chairman Ra­mirez ay ilipat sa ibang buwan matapos ang Olympic Games,” sabi ni secretary-general Dennis Esta.

Naglaan ang PSC ng P485 million na financial assistance para  masiguro ang  tagumpay ng meet na huling nilaro sa Malaysia at pangalawang beses na gagawin sa bansa, una ay noong 2005.

“My primordial concern is to ensure the success of the ASEAN Para Games like we did in the just ended SEA Games,” sabi ni Ramirez.

Pangungunahan niina Paralympics at Asian Para Games medalists Adeline Dumapong at Josephine Medina, Arthus Eustaquio Bucay, Ernie Gawillan, Gary Bejino, Cindy Asuzano, Christopher Yue, at Cielo Honasan chfr ang medal campaign ng host country.

Ang sports na paglalabanan ay ang archery, athletics, bowling, bocciaa, chess, cycling, football, goal ball, judo, powerlifting, swimming, table tennis, sitting volleyball, triathlon, wheelchair basketball at obstacle course. CLYDE MARIANO

Comments are closed.