TAMA ang mga pahayag ni Southern Luzon Command Commander Lt. Gen. Antonio Parlade Jr na maaring magamit ang aktres na si Liza Soberano at iba pang aktres ng mga makakaliwang grupo sa kanilang mga adhikain laban sa gobyerno.
Ito ang inihayag ni Philippine Military Academy Alumni Association Inc Chairman Retired General Edgar Aglipay matapos na maimbitahan si Soberano sa isang webinar na organize ng Gabriela Youth noong nakaraang Linggo at tinalakay ang mga karapatan ng mga kababaihan.
Ayon kay Aglipay, ang nais lamang ni Parlade ay mabigyan ng babala si Soberano at huwag magpapagamit sa anumang grupo na may koneksyon sa CPP- NPA-NDF.
Sinabi pa Aglipay na mismong si Soberano ang makakapag desisyon sa kanyang sarili kung magpapagamit o hindi sa mga makakaliwang grupo.
Gayundin, bukod kay Liza Soberano, ganito rin ang naging babala ni Parlade kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Si Gray ay matapang na nagbibigay nang kanyang saloobin sa mga national issues gaya ng anti terror law. REA SARMIENTO
Comments are closed.