(Sa mga biktima ng Marawi Siege) MAS MATAAS NA KOMPENSASYON HINILING

Secretary Alan Peter Cayetano

NANAWAGAN si Senator Alan Peter Cayetano para sa makatarungang kompensasyon sa mga biktima ng 2017 Marawi siege para sa pagbabalik ng kanilang dating pamumuhay.

Ito ang inihayag ng senador kasunod ng naganap na Senate hearing ng Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) na pinangunahan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasama ang mga pangunahing ahensya ng gobyerno.

Ito ay nakatuon sa progreso ng muling pagpapanumbalik ng Marawi City matapos ang digmaan.

“The point of compensation is to return them to their situation before the Marawi war,” wika ni Cayetano sa kanyang pakikipagtalakayan kay Atty. Maisarah Damdamun-Latiph, Chairperson ng Marawi Compensation Board (MCB).

“So if they built their house and it was worth P3 million ten years before the Marawi Siege, and then at the Marami siege it was at P15 million, I have to give them the equivalent of P15 million now to return them to their status before the war because that is just compensation,” dagdag niya.

Nakisimpatya ang senador sa mga nawalan ng tahanan sa Marawi na patuloy na nasa proseso ng pagbangon, at binigyang-diin ang hamon ng pagtukoy sa “fair market value” ng kanilang mga tahanan.

“Kung ako ay nag-ipon or three generations minana ko yung bahay na worth P5 million noong binomba, then you will now only give me P5 million and i can only build half of that house, I will feel na doble ang injustice para sa akin.

Binomba na kami, ganyan pa ang trato niyo sa amin,” wika niya.

Sumagot si Damdamun-Latiph na habang nais ng MCB na mapabilis at gawing makatarungan ang pagbibigay kompensasyon sa mga biktima, limitado ng batas ang kapangyarihan nito.

Kaya’t hinikayat ni Cayetano ang lahat ng pangunahing ahensya ng gobyerno na magmungkahi ng “creative compensation solutions.”

“I don’t think our beloved President and Congress will deny you if you come up with creative just compensation and have them approve it,” wika niya.

Iminungkahi rin ng senador sa MCB na bumuo ng isang joint resolution na magtatakda ng formula para sa fair market value para sa mga biktima upang matulungan ng Kongreso ang mga pamilyang nawalan ng tirahan na agarang makabalik sa kanilang mga tahanan.

“In the end, when we really compensate them, we want na ‘pag sinabi nilang ‘Thank you,’ it’s because we cared, hindi y’ung ‘kesa sa wala,” anang senador.
VICKY CERVALES