MAHIGPIT na ipatutupad ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang ‘no phytosanitary permit, no entry “ sa mga imported na karne.
Ito ay makaraang ipag-utos ng Department of Agriculture (DA) sa BOC ang implementasyon ng Food Safety Act of 2013 sa mga paliparan.
Nakasaad sa ilalim ng Section 12, Item B ng naturang batas na kailangang dumaan sa inspection at clearances ang mga imported na karne bago makapasok sa bansa.
Matatandaan na pinayuhan ng DA ang publiko na iwasang bumili ng karne sa online matapos na madiskubre ang bagong strain ng African Swine Flu galling sa ibang bansa.
Kasabay nito ang public advisory ng National Meat Inspection Service (NMIS) na bumili ng karne sa mga local meat store upang makasiguro na ligtas ito.
Paliwanag ng DA, sa pagbili sa online ay hindi nakasisiguro sa kalidad ng karne dahil may posibilidad na hindi ito dumaan sa NMIS.
Mahigpit ang isinasagawang monitoring ng BAI at BOC sa NAIA sa lahat ng karne na galing sa ibang bansa, partikular na ang dala ng mga pasahero.
Ayon kay BOC district collector Memil Talusan, kukumpiskahin ang mga karne at iba pang meat products na wa-lang permit mula sa pamahalaan. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.