(Sa mga lugar na naka-GCQ) POGO, CASINO SARADO PA RIN

MANANATILING  sarado ang  Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at mga casino sa mga lugar na isasailalim na sa general community quarantine (GCQ) simula sa  Mayo 1.

Ayon kay  Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kabilang ang POGOs sa  listahan ng mga industriyang nagbibigay ng mga mahahalagang serbisyo tulad ng pagkain at kalusugan.

Aniya, nasa ilalim ng amusement and leisure category ang POGO na katulad ng klase sa mga paaralan, religious gatherings at turismo ay bahagi ng negative list o mga hindi pa papayagang muling makapag-operate.

Sinabi naman ni Roque na maaaring humingi ng exemption at pahintulot ang  POGOs sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para makabalik na sila sa operasyon.

Gayunman, sa ngayon, aniya,  ay wala pang rekomendasyon ang PAGCOR sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases hinggil dito. DWIZ 882

Comments are closed.