(Sa mga lugar na nilindol sa Mindanao) DPWH HOTLINE

Mark Villar

NAGTALAGA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng hotline number  na maaring tawagan matapos tumama  ang 6.3 magnitude na lindol sa North Cotabato.

Pahayag ni DPWH Secretary Mark Villar na  magiging bukas 24/7 ang hotline number 165-02.

Layon nitong agad matanggap ng DPWH ang mga ulat, inspection request at rescue operations sa mga na­pinsalang gusali dahil sa pagyanig.

Patuloy ang isinasagawang assessment ng kagawaran sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na apektado ng lindol.

Nagsimula nang mag-inspeksiyon ang mga opisyal  ng gobyerno  sa mga sinalantang lugar   at sa gusali at impraestruktura sa kanilang mga nasasakupan.