NAGPADALA ang Armed Forces of the Philippines ng 14 na search, rescue, and retrieval teams (SRR) sa mga lugar na tinamaan ng lindol kahapon sa Northern Luzon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Jorry Baclor, simula kahapon tumulong na ang 24th Infantry Battalion sa pag evacuate ng mga pasyente sa ospital sa Bangued, Abra.
Ang 71IB naman ay nagdeploy ng personnel upang sagipin ang mga apektadong residente ng Vigan, Ilocos Sur.
Habang ang 54IB, 72nd Division Reconnaissance Company, 502nd Infantry Brigade, at CAFGU Active Auxillary units ay tumulomg sa road clearing, nagbigay ng transportation assistance, at nagsagawa ng search and rescue operations sa ibat ibang bahagi ng Northern Luzon.
Samantala, inatasan na rin ang 525th Engineering and Construction Battalion ng Philippine Army; 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force; at ang Naval Installation Command ng Philippine Navy na tumulong sa rescue efforts sa Northern Luzon.
Sa ngayon, tuloy tuloy ang militar sa pagsasagawa ng search, rescue, and retrieval operations habang ang ibang kawani ay tumutulong sa DSWD sa pamamahagi ng relief assistance sa mga apektadong mamamayan. EUNICE CELARIO