INIHAYAG ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na maghahandog ng libreng sakay ang LRT Line 2 para sa mga personalidad na gaganap ng mahalagang tungkulin na may kinalaman sa FIBA World Cup.
Ito’y bilang pagsuporta ng LRTA sa Phlippine Sports Commisson (PSC) sa prestihiyosong palaro na na sinumulan kahapon, Agosto 25 na tatagal hanggang September 10.
Simula kahapon, libreng nakasasakay sa LRT 2 ang mga atleta, coach, miyembro ng organizing committee, volunteers, mga tauhan ng safety and security gayundin ang mga media na magco-cover sa event.
Gayunpaman, sinabi ng LRTA na ang libreng sakay sa mga nabanggit ay kanilang ipagkakaloob kahit tapos na ang torneo o hanggang Setyembre 12.
Kinakailangan lamang ipakita ng mga gaganap sa tungkulin sa FIBA ang kanilang accreditation pass upang makakuha ng libreng sakay.
EVELYN GARCIA