(Sa mga pag-atake) 6 SA 10 PINOY BILIB NA IPAGTATANGGOL NG US ANG PINAS

us

TATLO sa bawat limang Filipino ang naniniwala na ipagtatangol ng Estados Unidos ang Filipinas oras na may sumalakay na banyagang puwersa, ayon sa pag-aaral na inilabas ng Social Weather Station nitong Miyerkoles isang araw matapos na ihatid ng mga Amerikano ang tatlong kampana ng Balangiga kamakalawa.

Sinasabing mayorya ng mga Filipino ay tiwala sa  defense commitment ng mga Amerikano.

Sa resulta ng  pag-aaral ng SWS kahapon ay lumilitaw na 61 percent (31 percent strongly believe, 30 percent somewhat believe) ay naniniwala na ang US na matagal nang kaalyado ng Filipinas ay dedepensahan ng bansa, habang siyam na porsiyento lamang ang nagsasabing hindi sila naniniwala sa commitment ng US habang  30 percent naman ay nagsasabing hindi nila alam o  undecided.

Sa nasabing survey,  47 percent ng mga tinanong na naniniwala sa Washington’s commitment sa Filipinas ay hinggil sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng dalawang bansa.

Napag-alaman na isinagawa ng SWS ang kanilang pag-aaral noong  Hunyo 27 hanggang 30 subalit kahapon lamang nila inilabas ito.

Ang SWS polls ay inilunsad kaugnay sa 67th year nang umiiral na  Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Filipinas at Amerika kung saan 80 porsiyento ng mga nakaaalam sa tratado na tinanong ay naniniwalang ipagtanggol ng US ang bansa sa mga paglusob.

Lumalabas naman na 58 porsiyento ng mga taga-Metro Manila ang mulat o nakaaalam sa Mutual Defense Treaty habang sa  Balance Luzon ay may  53 porsiyento  at 41 porsiyento naman sa  Visayas.   VERLIN RUIZ

One thought on “(Sa mga pag-atake) 6 SA 10 PINOY BILIB NA IPAGTATANGGOL NG US ANG PINAS”

  1. 970862 661437Interested in start up a online business on line denotes revealing your service also providers not only to humans within your town, nevertheless , to numerous future prospects which are cyberspace on a lot of occasions. pays every day 620700

Comments are closed.