LIBRE sa toll fees ang mga motorista sa ilang pangunahing expressways sa mga piling oras sa Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC).
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng holiday, sinabi ng MPTC na walang toll fees sa December 24 (10 p.m.) hanggang December 25 (6 a.m.) at
December 31 (10 p.m.) hanggang January 1 (6 a.m.) sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).
Ayon sa MPTC, ang toll fees ay iwe-waive para sa mga motorista ng Class 1, 2, at 3 vehicles na palabas ng nasabing expressways hanggang alas-6 ng umaga ng nabanggit na mga petsa.
Nauna na ring nag-anunsiyo ang San Miguel Corporation (SMC) na libre ang toll fees sa Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa mga piling oras ng holidays.
Ayon sa SMC, ang toll-free schedule ay ang mga sumusunod:
• 10:00 p.m. sa December 24 hanggang 6:00 a.m. sa December 25
• 10:00 p.m. sa December 31 hanggang 6:00 a.m. sa January 1
Ang mga expressway na pinatatakbo ng SMC ay ang Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX),
South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX)
“This is our way of saying thank you to everyone who uses the expressways we operate. It’s something we look forward to every year because it helps thousands of motorists get home to their families a little easier, especially during Christmas and New Year,” wika ni SMC Chairman Ramon S. Ang.