(Sa mga residente at trabahador) LIBRENG SWAB TEST SA NAVOTAS

SWAB TEST

MULING hinimok ni Mayor Toby Tiangco ang mga residente at mga trabahador sa Navotas sa libreng community testing para sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ngayon Oktubre , ang City Health Office ay nagtakda ng swab testing tuwing araw ng Sabado maliban sa Oktubre 31 para mapagbigyan ang hindi maiiwan nilang trabaho sa araw ng trabaho.

“As long as there are COVID-19 cases in the city, we have to stay cautious and on our guard.  The steep decline in our positivity rate after our initiative to promptly test, trace, treat and isolate patients only shows that we are on the right track,” ani Tiangco.

Mula 23% noong July, ang rate ng pagiging positibo ng lungsod ay bumulusok sa 7% noong katapusan ng Setyembre.

“Our strategy worked. We need to continue and sustain it so we can achieve zero cases soon,” dagdag niya.

Nitong Oktubre 3, 103 na mga residente at mga trabahador ang sumailalim sa swab testing, 16 dito ang mula sa personal care services; 12 mula sa beauty parlors at barber shops; 16 mula sa various banks; at 28 mula sa iba pang business establishments sa lungsod.

Kabilang din 22 mga residente na humiling ng tested at siyam na close contacts ng COVID-19 patients.

Gayundin, mula Oktubre 5 ang Navotas ay nakapagsagawa ng 34,003 tests o 12.7% ng populasyon nito. EVELYN GARCIA

Comments are closed.