(Sa mga umuwi dahil Undas) PCG NAKAALALAY SA MGA BIYAHERO

NAGPAPATULOY ang pag-alalay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasaherong bumibiyahe sa mga pantalan kahapon sa panahon ng Undas.

Ayon sa Coast Guard, umaga ng Lunes, November 1 ay umabot sa 5,607 outbound passengers at 4,151 inbound passengers ang naitala sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mayroong 2,177 na PCG personnel na naka-deploy sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.

Umabot sa 94 na barko at 119 na motorbancas ang kanilang naisailalim sa inspeks­yon.