MAAARI nang muling magbukas ang recreational venues sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag sa apat na lockdown levels.
“Mayroon pong bagong rule. Kapag naka-MGCQ po, allowed na po ang recreational venues gaya ng net cafes, billiards, and arcades,” wika ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Nananatili naman aniyang bawal ang traditional sabong o cockfights sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.
Nauna nang inihayag ng Palasyo na inaprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa modified enhanced community sa 21 lugar, habang mananatili ang Metro Manila at iba pang lugar sa pangalawa sa pinakamaluwag na lockdown hanggang Hulyo 15.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng MGCQ.qwww1~
Comments are closed.