(Sa micro rice retailers) DISTRIBUSYON NG SLP-CASH AID NG DSWD MAMADALIIN

ISANG pagpupulong ang isinagawa ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian kasama sina Trade and Industry Undersecretary Carol Sanchez at Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan kaugnay sa mabilis na distribusyon ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-Cash Assistance para sa Micro Rice Retailers.

Sa naturang pagpupulong, pinag-usapan ang pagtutok sa payout ng micro-retailers na hindi nakakuha ng kanilang payout schedules maging ang sari-sari store owners selling rice na kabilang sa listahan ng DTI .

Sisiguruhin ng DSWD na magiging tuloy-tuloy ang implementasyon cash aid na kabilang pinagkasunduan na isasagawa ng sabay-sabay pamamahagi ng SLP cash aid sa Setyembre 15 hanggang Setyembre 29.

Ang SLP-Cash Assistance sa Micro Rice Retailers ay para sa mga epektado ng pagpapatupad ng price caps sa regular at well-milled rice sa ilalim ng Executive Order No. 39 ng Pangulong Marcos.
PAULA ANTOLIN