(Sa military uniformed personnel) PENSION SYSTEM REREPASUHIN

NANINIWALA ang Department of National Defense na napapanahon na para repasuhin ang lumang pension system sa military and uniformed personnel.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bukas sila sa planong pagrebisa sa umiiral na pension system sa hanay ng MUP.

Kahapon inihayag ng kalihim na welcome ang kagawaran sa reporma para maging maayos ang pensiyon na natatanggap ng mga retiradong sundalo.

Sa pahayag ni Lorenzana,nasa kanilang mandato na tingnan ang kapakanan ng lahat ng sundalo at tiyakin na matatanggap nila sa tamang oras ang mga angkop na benepisyo sa kanilang pagreretiro.

“Looking after the welfare of our soldiers is one of the key mandates of the Department of National Defense, and this includes ensuring that they receive the appropriate retirement benefits that are due them for their years of honorable and dedicated service,” anang kalihim

Subalit,hindi itinanggi ng kalihim na maaring maging pabigat din umano ito sa mga taxpayer na siyang bumabalikat sa pensiyon ng mga retiradong sundalo dahil nasa ilalim ito ng subsidiya ng gobyerno.

Sa planong reporma sa pension system ng mga uniformed personnel ay umaasa rin si Lorenzana na makahanap pa ng iba pang paraan ang gobyerno kung saan puwede nilang makuha ang pondong gagamitin sa pensiyon ng mga retiradong sundalo.

Nangangamba ang kagawaran na baka mahirapan na ang pamahalaan na masustinahan ang pension ng MUP sa mga susunod na taon at magiging pabigat sa taxpayers.

Kasalukuyang tinatalakay sa Kongreso ang nasabing panukala, subalit sinabi ni Lorenzana na kinakalap na nila ang mga mungkahi mula sa stakeholders partikular ang Sandatahang Lakas upang makatulong sa pagbalangkas ng solusyon hinggil sa nasabing usa­pin. VERLIN RUIZ

21 thoughts on “(Sa military uniformed personnel) PENSION SYSTEM REREPASUHIN”

  1. 998342 614844omg! cant envision how rapidly time pass, soon after August, ber months time already and Setempber will be the 1st Christmas season in my spot, I actually really like it! 858970

Comments are closed.