TUGUEGARAO CITY-NAGPASIKLABAN sa pagsagot ng mga tanong ng mga kasapi ng media sa pulong pambalitaan sa SM Center Tuguegarao Downtown nitong Lunes.
Naging aktibo sa pagsagot ang mga kandidata sa mga isyu ng pandemya, fake news, kalikasan, sexual harassment, mga kaugalian at mga nabali na mga batas o regulasyon, maagang pag-aasawa at pagbubuntis, isyu sa droga at iba pa.
Dahil karamihan ay tapos na sa kolehiyo habang ang iba ay nag-aaral pa kaya’t halos lahat ay mahusay na nasagot ang mga katanungan.
Masusi na pinili ng mga kasapi ng media ang tatanghaling ‘Darling of the Press’ na igagawad sa araw ng pre-pageant sa Agosto 12.
Inihayag ni Dr. James Guzman, pageant chairperson, mahirap at isang hamon pero inihabol nila ang pagsasagawa ng pagpipili sa Miss Tuguegarao dalawang taon na natengga ang patimpalak dahil sa COVID-19 pandemic at tapos na rin ang photoshoot sa mga kandidata.
Ani Guzman, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng minimum health protocols kahit bukas sa publiko ang pre-pageant sa isa pang pribadong mall at koronasyon sa Cagayan State University Amphitheater sa Agosto 15.