(Sa muling pagbubukas ng turismo) WALANG COVID OUTBREAK

Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

BINIGYANG-DIIN kahapon ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na hindi nagdulot ng anumang COVID-19 outbreak ang muling pagbubukas ng ilang tourist destinations sa bansa.

“We are happy to note na walang outbreak because of tourism,” sabi ni Puyat sa isang virtual briefing.

Kasabay nito ay hinimok pa ng kalihim ang mga lokal na opisyal na suportahan ang pagbangon ng turismo bilang isang paraan ng pagbubukas sa ekonomiya.

Bagama’t nirerespeto nila ang desisyon ng ilang lokal na pamahalaan na hindi muna papasukin ang mga biyahero, sinabi ni Puyat na patuloy na nakikipag-usap ang DOT sa mga ito para sa ligtas na pagbubukas ng tourist spots.

Sinabi pa ng DOT chief na nakahanda ang lahat ng tourism workers na magpabakuna kontra COVID-19, habang mahigit sa 100 establisimiyento ang nakakuha na ng safe travel stamps.

Pinalawig din ng ahensiya ang RT-PCR test subsidy nito para sa  local travelers, kung saan ang mga  qualified tourist ay maaaring maka-avail ng 50% discount sa swab tests kapag nagtungo sila sa domestic destinations.

Nauna nang inihayag ng DOT na pinayagan na ng IATF ang leisure travel mula sa NCR Plus patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Gayunman, ang mga biyahero na may edad 18 pababa at  65 pataas ay kailangang magprisinta ng negative swab test bago bumiyahe.

9 thoughts on “(Sa muling pagbubukas ng turismo) WALANG COVID OUTBREAK”

  1. 189592 602875An attention-grabbing dialogue is value comment. I believe which you need to write far more on this matter, it wont be a taboo topic however generally individuals are not sufficient to speak on such topics. Towards the next. Cheers 185920

Comments are closed.