(Sa naganap na M7.6 na lindol) AFP HANDANG TULUNGAN ANG JAPAN COUNTERPART

AGAD na nagpahayag si Armed Forces of the Philippine Chief of Staff General Romeo Brawner na nakahanda ang kanilang puwersa para suportahan ang Japan Self-Defense Force (JSDF) kasunod intensity 7.6 earthquake na tumama sa Japan sa mismong araw ng Bagong Taon.

Ayon kay AFP chief General Romeo Brawner Jr., handa silang tumulong sa JSDF kung kakailanganin.

“In times of crisis, international cooperation becomes paramount, and the AFP expresses its readiness to collaborate with the JSDF in any way deemed necessary. The AFP remains committed to fostering strong bonds of friendship and cooperation with the Japan Self-Defense Force, united in our shared dedication to safeguarding the well-being of our respective nations and contributing to global peace and security,” ani Brawner.

Paliwanag ng heneral, sa oras na kalamidad o krisis mahalaga ang international cooperation kung kaya’t nakaantabay sila sa anumang pangangailangan ng Japan.

Aniya, committed ang AFP na mapatatag pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan lalo pa at isa ito sa maituturing na kaibigan ng bansa at kaisa sa hangarin ng pagsulong ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Kasunod nito, nagpahayag naman ng simpatya si Brawner para sa mga indibidwal na naapektuhan ng malakas na lindol sa Japan.

Sa inisyal na ulat ay may anim ng naitalang nasawi sa nasabing paglindol na inaasahang magdudulot ng malalakas pang after shocks habang wala pang natatangap na ulat ang Philippine Embassy sa kung may mga Pilipinong nasaktan kasunod ng lindol na na tumama sa Noto region sa Ishikawa prefecture na bahagi ng main central island ng Honshu nasa gilid lamang ng Sea of Japan.

“Wala pa tayong report na Filipino na na-injured dito sa lindol. Ang nakukuha naming information from our Filipino communities in the affected areas, meron nang napunta sa mga evacuation center, meron na ring napunta sa city hall kasi pinalikas na sila to avoid ‘yung possible tsunami,” ani Philippine Ambassador to Japan Mylene Albano sa isang panayam.

Nabatid na agad na nagpalabas ng “large tsunami warning ang Japan Meteorological Agency kasunod ng malakas na pagyanig.

Habang binalot naman ng dilim ang may 33,500 kabahayan sa Toyama, Ishikawa at Niigata prefectures na pawang nasa paikot lamang ng epicenter ng lindol matapos na magkaroon ng malawakang power outage.

Sinasabing may 860 Pinoy sa Yamagata at mahigit sa 1,000 naman ang naninirahan sa Ishikawa Prefecture. VERLIN RUIZ