(Sa National Heroes’ Day) FILIPINO FRONTLINERS KINILALA NI DUTERTE

frontliners

KASAMA sa binibigyang pugay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino frontliner na patuloy na sinusuong ang panganib sa gitna ng pakikibaka sa isang kalabang hindi nakikita.

Sa kanyang mensahe kahapon kaugnay sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, sinabi ng Pangulo na sa mga panahong ito na nahaharap sa public health crisis ang buong mundo ay dapat na kilalanin ang mga frontiner na   modern day heroes.

Nakikiisa ang Pangulo at sinabing hindi lamang  para sa mga nakipaglaban para sa bayan ang pagdiriwang na ito  kundi para sa mga frontliner na nakikibaka sa kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.

Umaasa ang Pangulo na magsilbing inspirasyon ang tapang na ipinamalas ng mga nagdaan at kasalukuyang bayani upang harapin ang kasalukuyang sitwasyon at mga hamong dulot ng nagaganap na pandemya.

“Present day challenges posed by the current public health crisis has given rise to modern day heroes: the countless Filipino frontliners here and abroad who are battling the COVID-19 pandemic”

sabi pa ng Pangulo.

Naniniwala ito na ang katapangan at kagitingang ipinamalas ng mga bayani ng bayan ay magsisilbing inspirasyon upang patuloy na pangalagaan ang mga demokratikong institusyon at kahandaang magbuwis ng bahay laban sa anumang uri ng banta sa soberanya ng bansa.

Magsisilbing bayani aniya ang bawat isa  bawat araw habang sabay sabay at pilit na tinatahak ang mas magandang bukas para sa sambayanan.

“I hope that the bravery of our Filipino heroes, past and present, will inspire us all to face and overcome even the most unfavorable situations. Together, let us become everyday heroes as we pursue a better future, ” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.