(Sa nationwide raid ng BIR) 506 ILLICIT VAPE RETAILERS, HULI

UMABOT sa 506 na ile­gal o illicit vape retailer/reseller ang nahuli ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“As of the end of October 2024, the BIR has caught 506 illicit vape retailers/resellers during our raids. After our nationwide raid last October 16, there was a substantial increase of illicit vape stores. The BIR will not stop raiding illicit vape retailers/resellers until the vape industry complies with our tax laws and regulations. Expect regular raids” pahayag ni Commissioner Romeo D. Lumagui Jr.

Noong October 16, 2024 ay isinagawa ng BIR ang sabay-sabay at nationwide raid kontra illicit vape.

Pagkatapos nito ay inatasan ni Lumagui ang mga Revenue Regions at District na ipagpatuloy ang mga raid kada linggo.

Nagresulta ang mga raid sa P181,695,490.14 tax liability at penalities.

Malimit na violation ng mga illicit vape retailer/reseller ay ang hindi pagbayad ng excise tax, kawalan ng internal reveue stamps at hindi pagrehistro sa BIR ng mga vape pro­ducts.

Tuloy-tuloy ang BIR sa pag-uulat ng mga detalye ng nationwide crackdown laban sa ilegal o illicit vape retailer/reseller kasama sa mga ito ay ang bilang ng mga tindahan at ang kabuuang tax liability.

Dahil dito, hinimok ng ahensya ang publiko na samahan sila sa laban kontra illicit vape at illicit trade.

Aniya, agad na i-report sa [email protected] kung ang vape shop ay hindi rehistrado at di nagbabayad ng tamang buwis.

RUBEN FUENTES