(Sa nawalan ng trabaho dahil kay ‘Rosita’) ‘ALTERNATIVE JOBS’ AYUDA NG DOLE

Silvestre Bello III

TINIYAK ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na bibigyan nila ng alternatibong trabaho o emergency employment ang mga manggagawang nawalan ng hanap­buhay sa pananalasa ng bagyong Rosita.

Ito ay matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng gob­yerno na maglunsad ng mga proyekto upang matulungan ang mga nawalan nang pagkakakitaan matapos ang ka­lamidad.

Nilinaw naman ni Bello, may sapat na proyekto ang tanggapan ng DOLE upang bigyan ng hanapbuhay ang mga manggagawa sa Northern Luzon. DWIZ 882

Comments are closed.