NAGPASAKLOLO ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Hongkong Mission Control Center (HKMCC) sa paghahanap sa Cessna 206 na pinaniniwalaang bumagsak sa kabulubundukan sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, ang Hongkong ay mayroon Search and Rescue Satellite -Aided Tracking (SATSAT) System na maari makapag-review o kaya mag-evaluate sa paghahanap sa kinaroonan ng Cessna 206.
Aniya, ang kanilang Area Control Center Radar at ang Clark Radar ng Communication Navigation surveillance / Air Traffic Management System ay walang kakayahan na maka-pick up sa binagsakan ng Cessna 206.
Kung kaya’t hanggang sa kasalukuyang hindi pa nila ma-locate ang eksaktong lugar lalo na sa masamang panahon na nakakaapekto sa isinasagawang search and rescue operation.
Matatandaan na huling contact ng Cauayan Control Tower sa Cessna 206 noong araw ng Martes dakong alas-2:19 ng hapon sa may Naguillian bridge.
Kasunod nito, nag-isyu ang CAAP ng “NOTICE to Airmen (NOTAM) B0391 /23, covering the area some 13NM South of Naguillian, 13 NM West of Naguillian, 17 North to 17 East of Maconacon Airport,with an estimated area of 1,000 sguare nautical miles” bilang search ang rescue area. FROILAN MORALLOS