DAHIL sa pagsirit ng halos 10,000 bagong kaso kada araw sa COVID-19, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasailalim muli sa enhanced community quarantine ng NCR Plus Bubble.
Ang NCR Plus Bubble ay ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, epektibo ang ECQ sa nabanggit na mga lugar simula 12:01 ng umaga bukas Marso 29 hanggang Abril 4.
Ayon kay Roque, kung ano ang mga patnubay o guidelines sa ilalim ng ECQ noong isang taon ay ganoon din ang ipatutupad gaya ng mahigpit na galaw ng tao at tanging ang mga frontliner at essential workers lamang ang maaaring lumabas.
“Previous ECQ guidelines as provided in the Omnibus Guidelines to be followed subject to the review, recommendations and amendments of the IATF TWG as may be necessary,” sabi ni Roque.
Mahigpit na ipinagbabawal na lumabas ng kanilang mga bahay ang mga may edad 18 taon pababa at 65 taong gulang pataas lalo na yaong may mga immunodeficiency, comorbidity at ibang health risks tulad ng mga buntis.
Ipinagbabawal din ang anumang uri ng religious activities na nauna nang pinayagan ng IATF mula Abril 1 hanggang Abril 4.
Ang curfew sa NCR Plus Bubble ay mula 6PM hanggang 5AM.
Paiigtingin din ang presensiya ng mga uniformed personnel sa mga nabanggit na lugar upang mahigpit na maipatupad ang mga community quarantine protocols.
Bukas din ang mga botika, palengke at groceries.
Bawal naman anumang uri ng al fresco dining at ang mga restawran ay pinapayagan lamang para sa take out at delivery sevices.
Samantala, paglilinaw ni Roque na bagaman ECQ ay tuloy pa rin ang operasyon ng transportasyon subalit dapat sundin ang guidelines ng Department of Transportation gayundin ang patuloy na mga priority construction works alinsunod naman sa guidelines ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Magtatayo rin ng mga Dharavi-like centers sa mga komunidad na mahigpit na tututok sa mga suspected cases at magsasagawa ng tests, contract tracing at isolation ng mga suspected COVID-19 carriers.
Inaatasan naman ang mga local governments ng mga nabanggit na lugar na maisakatuparan ang isolation, tests, contract tracing sa loob ng 24 oras at inaasahang 95 porsiyento ng mga close contacts ay matutukoy ay madadala sa isolation sa loob din ng 24 hours.
Pabibilisin din ang parallel implementation at scale up ng vaccination efforts sa mga lugar na matindi ang kaso ng COVID-19.
Inatasan din ang NationalTask Force Against Covid-19 na magtakda ng indicators at weekly targets habang may nakahanda rin namang mga LGU Scoreboard na may clear targets sa ilalim ng patnubay ng LGUs kung saan magkakaroon ng assessment at monitoring naman mula sa Department of Interior and Local Government.
Isinasapinal naman ang mga detalye sa pagbibigay ng tulong pinansiyal sa publiko sa panahon ng ECQ bagamat hindi pa natutukoy kung magkano at paano ang distribusyon nito. EVELYN QUIROZ
503654 594124I believe other website owners really should take this internet site as an example , very clean and fantastic user genial style . 85702