(Sa NCR Plus Bubble) AYUDANG BIGAS, FOOD PACKS IKINASA

IKINASA ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang pamamahagi ng bigas at food packs upang mabawasan ang mabigat ng sitwasyon na mararanasan ng mga residente sa inanunsiyo ng Malacañang tungkol sa pagpapatupad ng National Capital Region (NCR) Plus Bubble.

“We are aware that the tighter restrictions to be imposed starting March 22 until April 4 will mean more hardships to our residents, and it is our responsibility to help ease their burden,” ani Mayor Edwin L. Olivarez.

Sinabi ni Olivarez na kasalukuyang chairman ng Regional Peace and Order Council in the National Capital Region (RPOC-NCR), inatasan nito ang mga empleyado ng city hall na simulan na ang paghahanda ng bigas at food packs para sa agarang distribusyon nito na kahalintulad ng ginawa noong nakaraang taon.

Sa sinasabing regional bubble, maraming aktibidad ang magiging limitado tulad ng kasal, binyag at iba pang mga kahalintulad na pagtitipon habang hindi na muna papayagan ang operasyon ng arcades, cinemas at driving schools pati na rin ang indoor dining sa mga restaurant ay pansamantalang ipinagbabawal.

“We can start distribution by Wednesday, March 24 and to be completed up to April 4, and today I have directed the General Services Office and the Treasury office of Paranaque to undertake direct negotiation and purchasing of the food items,” dagdag pa nito.

Tinukoy nito, sa NCR Plus Bubble ay marami ang mawawalan ng pagkakakitaan lalo na sa sektor ng pagbibigay ng serbisyo kung kaya’t tungkulin ng lokal na pamahalaan na tumulong sa mga apektadong residente ng lungsod. MARIVIC FERNANDEZ

One thought on “(Sa NCR Plus Bubble) AYUDANG BIGAS, FOOD PACKS IKINASA”

  1. 402844 706719Great day! This post could not be written any better! Reading this post reminds me of my previous room mate! He always kept chatting about this. I will forward this write-up to him. Fairly certain he will have a very good read. Thanks for sharing! 502556

Comments are closed.