PITONG irrigation projects ang natapos na ng National Irrigation Administration (NIA) sa Negros Oriental.
Ang turnover ay isinagawa ng NIA Region VII sa farmer-beneficiaries sa Municipality of Siaton.
Ang mga natapos na proyekto ay ang Lower Mantuyop Small Irrigation Projects at rehabilitation projects para sa Inalad Communal Irrigation System (CIS), Datag CIS, Caticugan CIS, Sandulot CIS, Lower Balanan CIS, at Cang-Iyao CIS. Nagpasalamat ang pitong Irrigation Association (IA) presidents, na kumakatawan sa farmer-beneficiaries, sa NIA sa pagpapabuti sa kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagdagdag ng crop yields at irrigated areas.
Inaasahan din nilang mapoprotektahan ng mga irrigation project na ito ang kanilang canals mula sa mga pagbaha at bagyo sa hinaharap.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang Siaton local government sa suporta na ipinagkaloob ng national agency at nangakong gagawin ang kanilang parte sa pagmamantina at pangangalaga sa natapos na irrigation projects.