HALOS 3,000 trabaho ang iaalok sa susunod na round ng Project DAPAT Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Nobyembre 19-20 simula alas-9 ng umaga sa SM Mall of Asia Music Hall, Pasay City.
Ang Project DAPAT, o ang DOLE Action Plan and Transition Project, ay tugon ng ahensiya sa direktiba ni Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. na tulungan ang displaced workers sa paghahanap ng bagong trabaho kasunod ng ban sa lahat ng Internet Gaming Licensees (IGLs), dating kilala bilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), sa bansa.
Base sa preliminary report ng DOLE– National Capital Region, kabuuang 16 local employers ang lalahok sa job fair na magkakaloob ng iba’t ibang trabaho, kabilang ang sales consultants, cashiers, receptionists, encoders, drivers, delivery helpers, service crews, at iba pa.
Inaasahang madadagdagan pa ang bilang sa mga susunod na araw. Para manatiling updated, ang mga job seeker ay hinihikayat na bumisita sa https://ncr.dole.gov.ph/ (https://ncr.dole.gov.ph/) o sa official Facebook page sa https://www.facebook.com/ncrdole (https://www.facebook.com/ncrdole) .
Isang one-stop shop ang itatayo upang matulungan ang mga job seeker sa kanilang employment requirements.
Ang mga participating agencies ay kinabibilangan ng Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Social Security System (SSS), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Bureau of Internal Revenue (BIR), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Philippine Statistics Authority (PSA), Professional Regulation Commission (PRC), at Philippine Postal Corporation (PHILPOST).
Hinihikayat ang mga aplikante na ihanda ang kanilang requirements, kabilang ang kanilang resume o curriculum vitae, diploma, transcript of records, at government clearances.
Para sa mas mabilis at hassle-free application process, ang mga aplikante ay pinapayuhang i-scan ang pre-registration QR code o sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/projectdapat (https://tinyurl.com/projectdapat).
Inorganisa ng DOLE, sa pamamagitan ng Bureau of Local Employment (BLE), DOLE-NCR Regional Office, at ng Makati-Pasay Field Office nito, ang job fair ay sa pakikipagtulungan sa Public Employment Service Office (PESO) ng City Government of Pasay, SM Mall of Asia, Department of Migrant Workers (DMW), at ng Information Te chnology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP).