(Sa Nobyembre) COVID-19 CASES BABABA SA 1,100

UMAASA ang Department of Health (DOH) na posibleng pagsapit ng panahon ng Kapaskuhan ay mapaluwag na ang restriksiyon sa bansa kung tuluyang makokontrol ang hawahan ng COVID-19 at magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga naitatalang kaso nito.

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa projections ng cluster team ng DOH, inaasahan nilang pagsapit ng Nobyembre 15 ay higit pang bababa ang mga maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) na aabot na lamang sa 1,100 kaso.

“If we will look at our daily cases we will be averaging about 1,100 cases by November 15, daily cases dito sa National Capital Region (NCR),” ayon pa kay Vergeire.

“Kung magtutuloy-tuloy po ‘yan at maipagpapatuloy po natin ang pag-control sa transmission ng sakit po na ito sana po ay tayo pong lahat ay nagho-hope by Christmas time magkakaroon po ng mas maluwag na classification and restriction sa ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

Tinatalakay na rin naman aniya ng mga health experts at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kung maging ang mga bata ay papayagan na ring lumabas ng mga tahanan sa Pasko.

“But looking at the case data right now tinitignan po natin at kung mauumpisahan na rin po natin ang pagbabakuna those with comorbidities sa mga kabataan kung atin pong itutuluy-tuloy at mag-stabilize po ang ating supplies meron naman pong posibilidad {na mapalabas na rin ang mga bata sa Pasko},” aniya pa.

Matatandaang noong Setyembre 29 ay una nang inianunsiyo ng DOH na target nilang masimulan ang pediatric vaccinations sa mga batang nasa 12 hanggang 17-taong gulang sa Oktubre 15, at uunahin umano nila yaong may mga comorbidities, bilang bahagi ng Priority Group A3. Ana Rosario Hernandez

120 thoughts on “(Sa Nobyembre) COVID-19 CASES BABABA SA 1,100”

  1. 599053 815689I agree with most of your points, but several need to be discussed further, I will hold a small speak with my partners and possibly I will look for you some suggestion soon. 916586

  2. 473259 956100This site is generally a walk-through you discover the information it suited you about it and didnt know who need to have to. Glimpse here, and you will surely discover it. 512594

  3. 81916 63744This really is a very good subject to talk about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. This post probably wont do well with that crowd. I will likely be confident to submit something else though. 209663

Comments are closed.